Kaspil: Filipino Pride Galore

August 27, 2008

RA 1425: A Refresher

Filed under: Kaspil1, Module1 — Tags: , , , — kaspil1 @ 12:28 pm

Maraming mga tao ang nkarinig na ng Republic Act 1425 o mas kinikilalang Batas Rizal, ngunit, alam nga ba talaga natin kung ano nilalaman nito? Ano ang mga pinagdaan ng mga tao para lang maipatupad ang batas na ito? Sa pagbabasa ng blog na ito, masmaiintindihan natin ang tungkol sa bats na ito at paano ito nipatupad. Dito rin masasagot ang mga taonong kung ano nga ba ang kahalagahan ng batas na ito sa atin at kung anu ano ang mga argyumento sa batas na ito.

Ang unang unang tanong na dapat natin maisagot ay kung ano nga ba talaga ang mga nilalaman ng batas na ito. Sa sobrang haba ng nilalaman ng batas na ito, maari natin itong isummaraze ng isang maikling talata. Ang Republic Act No. 1425, mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal, ay inaprubahan noong ika-12 ng Hunyo 1956 noong ito ay tinatawag pang House Bill No. 5561 at Senate Bill No. 438. Ito ay nagsasalaysay ng pagsasama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pampubliko, pribado, kolehiyo at mga unibersidad ang kurso tungkol sa buhay, mga ginawa at sinulat ni Jose Rizal, lalo na ang kanyang mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, na pinapahanitulutan ang pagpapalimbag at pamamahagi ng mga nabanggit sa itaas at para sa iba pang layunin. Ang mga may “exception” sa batas na ito ay ang pagbasa lamang ng “abridged version” ng mga nobelang ito ng  mga dayuhan na nag aaral sa bansa. Kung ikaw ay isang Pilipino, kinakailangan mong pagaralan ang buong bersyon ng mga nobelang ito.

Upang masmaintindihan ang kahalagahan ng batan na ito, kailangan rin nating malaman kung anu ano ang mga layunin ng batas na ito kaya ito naipatupad. Ito lamang ang iba sa mga layunin ng batas na ito:

Nilalayon ng R.A. na ito na maging inspirasyon ng mga taong bayan, lalo na ng mga kabataang Pilipino ang naging buhay, at karanasan ni Rizal noong panahon ng Kastila.

Ang batas ay naghahangad na magkaroon ang mga Pilipino ng kanilang sariling simulain ng kalayaan at pagiging nasyonalismo na binigyang halaga ng ating mga bayani.

–  Nilalayon nitong muling gisingin ang damdaming makabayan ng bawat mamamayang Pilipino upang maipamana at maisaalaala ng mga kabataan ng susunod na henereasyon.

Nilalayon din nitong mabigyang parangal ang pambansang bayani, na si Dr. Jose Rizal at ipaalala sa bawat Pilipino ang kanyang naging malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga ginawa para sa bayan. Ang kanyang buhay, mga ginawa, at mga sinulat, tulad ng “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, ay magsisilbing inspirasyon sa kaisipan ng bawat pilipino upang magkakaroon ng pagmamahal sa bayan.

Noong hindi pa batas ng RA 1425, maraming mga kontrobersya na lumibot sa isyung ito. Naglaban dito ang iba’t ibang mga kilalalang mga tauhan sa panahong ito kung kaya’t naging mainit ang pagdedbatehan ng batas na ito. Ilan lang ang mga sumunod sa mmga sumuporta at tumanggi sa RA 1425.

PRO:

Claro M. Recto: Pinaglaban niya upang maipatupad ang bill.

Jose P. Laurel: Kasama ni Recto na ipinaglaban ang batas upang maipatubad ito.

Emilio Aguinaldo: Kasama ni Recto at Laurel na ipinaglaban ang batas upang maipatubad ito.

The Spirit of 1896, Alagad Ni Rizal, Freemasons, Booklovers Society, Philippine Public Scool Teachers Association: mga organisasyong sumuporta kanina Recto at Laurel upang maipatupad ang batas.

Fidel V. Ramos: Memorandum niya – mas pinapatibay ang pagpapatupad sa RA1425.

CON:

Archbishop Santos, Sen Tanada, Quitin Paredes, Sen. Rodrigo, Sen. Rosales: Ayaw ng simbahan na gawin required na reading materials ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal dahil anti-churh ang mga nilalaman nito. Hindi rin nitatanggap ng simbahan na pwedeng gawing inspiration ng mga kabataan ang mga libro. Kapag binasa ng Catholic ang isang uncensored version, siya ay papatawan ng heresy.

Ngayon ay alam  natin ang tungkol sa batas Rizal, sa pagaaral nito, may mga nakuha akong mga input na puwede nating idagdag o ibago sa batas na ito. Ang “exemption” sa R.A. 1425 ay maaring tanggalin sa kadahilanang, wala namang masamang epekto ang mga sulatin ni Rizal sa pananampalataya ng tao. O kung hindi man tanggalin, huwag nang ipakuha sa mga Pilipinong estudyanteng “foreigners” ang mismong kurso at sa halip ay papiliin sila ng alternatibong klase. Ito ay dahil hindi natin dapat pilitin sa kanila kung ang mga paniniwala nila ay iba dahil lang nag-aral sila sa Pilipinas. Isa rin sa mga dahilan ay dahil pwede silang pumili ng klase, kung gugustuhin nila, puwede pa rin nila kunin ang klaseng ito kung ginugusto nila.

Kapag pinagisipan natin ng mabuti ang batas na ito, masmaraming mga masmagagandang epekto sa bansa natin kapag patuloy natin ipatupad ang batas na ito. Pagisipan mo, kung mawala ang batas na ito, iilan lang ito sa mga maaaring mangyari sa bansa natin. Ang maaring unang resulta ay ang pagkawala ng trabaho ng mga guro sa mga Pilipinong kurso. Ikalawa, maaring tuluyan ng makalimutan ng mga Pilipino ang kabayanihan at mga aral ni Rizal. Ikatlo, maaring lubusang bumaba ang nasyonalismo ng mga Pilipino. Base lang dito, nakikita na natin na masmaganda kung patuloy na ipatupad natin ang batas na ito.

Sa aking palagay at base na rin sa napagkunan ko ng impormasyon, hindi na ito dapat pag-aralan, dahil hindi na ito gaanong tinatangkilik ng mga mag-aaral ngayon lalo na iyong mga mag-aaral sa kolehiyo. Lagi nilang inuusisa kung ano nga ba ang halaga ng pag-aaral ng buhay ni Rizal at ng kanyang mga nagawa sa kani-kanilang napiling larangan. Sinasabi nila na ito ay pag-aaksaya lamang ng oras at pera. Ngunit sa kabilang banda, nararapat nga lang naman na ating gunitain at pag-aralan ang kagitingan ng ating pambansang bayani. Hindi natin dapat kaligtaan ang nagawa nyang kabutihan sa bayan – napalaya niya tayo sa mga manunupil. Kailangan pa rin talagang pag-aralan dahil bahagi na ito ng ating kasaysayan. Nagpapatunay na kailangan pa rin natin itong pag-aralan dahil ito ay kabilang sa mga batas na ipinatupad; layunin ng batas na ito na dapat lahat ng mga eskuwelahan sa buong pilipinas ay mayroong mga libro at mga nagawa ni Rizal. Dapat natin siyang gawing simbolo ng ating kalayaan. Ang pag-aaral sa kanya ay para na ring pagpapasalamat sa nagawa niyang kabutihan.

– Mac Pascual

4 Comments »

  1. thanks very much for this. i’m taking up rizal right now (PI 100) and this entry has helped me understand why i need to take the course in the first place.😀

    Comment by grateful_student — November 7, 2008 @ 12:38 pm

  2. well written !

    Comment by rommel — November 9, 2008 @ 5:28 am

  3. THANKS SA WEBSITE NA 2… MAGANDA ANG LAYUNIN… SALAMAT SA DIYOS AT MAY TAONG TULAD MOH NA CONCERN SA PAMBASANG BAYANI NG PILIPINAS! MABUHAY KA!!!

    Comment by ARTCHER — February 26, 2009 @ 3:06 pm

  4. THANKS SA WEBSITE NA 2… MAGANDA ANG LAYUNIN… SALAMAT SA DIYOS AT MAY TAONG TULAD MOH NA CONCERN SA PAMBASANG BAYANI NG PILIPINAS! MABUHAY KA!!!

    — Artcher santillan—

    Comment by ARTCHER — February 26, 2009 @ 3:07 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: