Kaspil: Filipino Pride Galore

August 25, 2008

Pilipino: Sibilisado???

Sa simula ng KASPIL1, maraming tinanong si Sir. Arleigh sa mga napag-aralan namin tungkol sa Pilipinas noong grade school at high school. Ang mga sagot namin pare-pareho. Pero iyon pala mali ung mga alam namin. Matagal na pala na-debunk ang mga teorya na naituro samin noong grade school at high school. Isa na dito ang walang kamatayang wave of migration theory, halos lahat ng tanungin mo ngayon na mga bata o matanda kung sino ang unang tao sa Pililinas, isa lang ang sagot na maririnig mo, ang mga Negrito. Nakakalungkot isipin na matagal na pala itong na-debunk ngunit hindi pa rin alam ng mga guro sa eskuwelahan. Ngayong kolehiyo ko lamang nalaman, samantalang hindi pa ako naipapanganak ay na-debunk na ito. Patunay lamang na mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayang ng Pilipinas maging sa kolehiyo upang malaman ang pinakabagong mga datos ukol sa ating nakaraan, dahil kakaunti pa lang naman ang nalalaman natin tungkol dito.

Sibilisado ang mga sinaunang Pilipino, hindi tulad ng mga ipinahihiwatig ng mga Espanyol. Mayroon tayong sariling klase ng gobyerno, pagsusulat, relihiyon atbp. Maganda rin ang pag-uugali ng mga Pilipino dahil ayon nga sa mga Intsik ay tapat tayong mga manganalakal. Ang isa pa ay hindi barbariko ang patrato natin sa mga nagkakasala. Napakalinis din sa katawan ng mga sinaunang Pilipino, palagi sila naliligo at maging sa kanilang kapaligiran. Dahil nga naniniwala sila sa animismo, mabait sila sa kalikasan upang maging mabait din ito sa kanila.

Marami akong natuklasan na bago tungkol sa ating mga Pilipino. Para bang narerediscover kong muli ang ating kasaysayan. Naniniwala ako na kahit sinasaing bata pa at bago ang ating kultura ay hindi mo maikakaila na ito ay mayaman, at makulay. Ang ating kasaysayan bago pa man tayo nasakop ng mga Kastila, Amerikano at Hapon ay sibilisado na. Patunay lamang na kahit hindi nila tayo nadiskubre, tayo ay uunlad ng mag-isa. O baka nga mas mabilis tayong umunlad kung hindi nila tayo sinakop. Naniniwala ako na ang ating kultura ang sumasalamin sa atin bilang mga Pilipino. Dahil sa mga nalaman ko ukol sa ating kasaysayan at kultura, mas naging proud ako sa ating lahi. Ang pagkuha sa kursong ito ay nakatulong sa akin upang malinawan sa mga bagay na hindi nabigyang pansin sa aking mga dating pag-aaral.

– Mhika Lumayag

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: