Kaspil: Filipino Pride Galore

August 26, 2008

Sa Kamay ng Espanya at Nasyonalismong Pilipino

Filed under: Kaspil1, Module3 — Tags: , , , — kaspil1 @ 3:26 pm

Noong taong 1521, si Ferdinand Magellan, isang manlalakabay na Portuguese , ay nakarating sa Samar. Pinangalanan niya ang lugar bilang Islas de San Lazaro. Nakipag-kaibigan si Magellan kay Humabon, ang hari ng Cebu, at dahil dito, marami ang nabinyagan bilang Katoliko. Si Lapu-lapu, ang hari ng Mactan noong panahon na iyon ay tutol kay Magellan. Naganap ang Battle of Mactan noong April 27, 1521 at dito napatay si Magellan. Hindi dito nagtapos ang ekspidisyon ng Espanaya. Sumo dang ekspidisyon nila Loaisa, Cabot, Saavedra, Villalobos at Legazpi.

Sa taong 1565, sinakop ng Espanya ang arkipelago. Napilitang makipagkasundo si Tupas, anak ni Humabon, na ipasailalalim ang Pilipinas sa pamamahala ng Espanya.

Crus at espada, ito ang symbolo ng Espanya. Ginamit ng Espanya ang relihiyong Katoliko upang mas madaling mapasailalim ang taum-bayan. Sa iba naman na tutol at sumusuway pa rin sa utos ng espanya, gagamitan sila ng dahas mapasunod.

Namalagi ng 333 taon ang mga Espanyol dito sa Pilipinas at sa mga taong nandito sila, marami silang ginawang mga batas at polisiya na hindi makatarungan. Ilang halimbawa dito:

· Polo y Servicio

o Sapilitang pagtatarabaho ng mga lalaking may edad na 18-20 taon

· Bandala

o Pagkakaroon ng kota ng mga magsasaka

Ang karamihan naman sa prayle na naipadala dito sa Pilipinas ay manloloko at maaabuso. Ginagamit nila ang pananampalataya upang magkapera. Tinatakot din nila ang taum-bayan. Noong panahong iyon, napakataas ng posisyon ng prayle sa gobyerno kaya’t marami silang naipakulong at napapatay. Isa na rito ang Gomburza.

Kilala ang Gomburza bilang mga secular na pari. Ang mga secular na pari ay ang mga paring Pilipino na nagpapatakbo sa maliliit na parokya sa Pilipinas na sumasailalim sa Obispo. Noong 1774, ipinatupad ang pagbisita ng Obispo sa iba’t-ibang parokya. Ang mga regular, mga prayleng Espanyol, ay hindi sumang-ayon dito ngunit wala silang nagawa. Dahil dito, maraming regular ang napilitang umalis sa kanikanilang parokya. Ang mga secular na pari ang pumalit sa pwesto ng mga regular na prayle. Sa huli, dahil sa pagpupumilit, pagdadahilan na ang mga Pilipino ay hindi nararapat, at diskriminasyon ng mga regular na pari, naibalik sa kanila ang kanilang parokya.

Sina Father Burgos, Gomez at Zamorra ay napagbintangan na namuno sa Cavite Mutiny. Sila ay ipinapatay sa pamamagitan ng garotte noong February 17, 1872.

Ang pagpatay sa Gomburza ang sinasabing nagpausbong sa Nasyonalismo ng marami sa mga Pilipino. Ilan pa sa mga dahilan kung bakit umusbong ang nasyonalismo ng Pilipino ay ang mga sumusunod:

· Gomburza Execution

o Nagalit ang maraming Pilipino dahil sa di-makatarungnang pag-patay sa kanila. Umusbong ang Nasyonalismo dahil sag alit sa mga prayle at sa Espanya.

· British invasion of Manila

o Nang dahil sa Seven Years War, sinugod ng Britanya ang Maynila. Bumagsak sa Britanya ang Maynilang hawak ng mga Espanyol. Naisip ng mga Pilipino na kayang pabagsakin kahit na ang akalang malakas na Espanya.

· Pagbubukas ng Suez Canal

· Ilustrado Class

o Ang mga may kayang Pilipino ay nagkaroon ng pagkakataon upang mag aral sa ibang bansa. Sila ay natuto ng konsepto ng liberalismo.

· Liberal na pamumuno ni Carlos Ma. De la Torre

· Secularization Movement

o Ang mga Pilipinong pari ang mamumuno sa mga simbahan dito sa Pilipinas. Nabuhay ang nasyonalismo ng mga Pilipino dahil nalaman nilang kaya natin magsarili at magpatakbo ng sarili nating Simbahan.

· Frailocracy

o Ang mga pryleng mapangabuso ay nagkaroon ng posisyon sa gobyerno. Sa sobrang pagmamalupit nila, umusobong ang nasyonalismo ng Pilipino. Gusto nilang lahat na paalisin na ang mga ito.

Isa lang ang puno’t-dulo kung bakit umusbong ang nasyonalismong Pilipino. Ito ay dahil sa sobrang pagmamalupit at pangaabuso ng mga Espanyol. Naging dahilan ang galit at lungkot upang magkaisa ang lahat. Ang nasyonalismong ito ay may isang layunin lamang, at ito ang gawing mabuti ang kalagayan n gating bansa at ng mga taon nakatira dito.

Reflection:

Isa lang, para sa akin, ang pinupunto ng ikatlong modyul, at ito ang nasyonalismo. Iba’t-iba ang pakahulugan ng mga tao sa salitang nasyonalismo. Noon ang pakahulugan ko sa nasyonalismo ay paggawa ng mabuti para sa bayan. Ngayon ay nadagdagan pa. Ang nasyonalismo ay pagmamahal sa bansa. Hindi lang dahil sa napipilitan kang gumawa ng mabuti kaya’t gagawa ka ng mabuti. Dahil mahal mo ang iyong bansa kaya gagawa ka ng mabuti. Ito ang natutunan ko sa ikatlong modyul. Maging isang Pilipinong may nasyonalismo.

Earl Dominic P. De Vera

About these ads

2 Comments »

  1. sino-sino ang mga pilipinong nasyonalismo?

    Comment by isis — November 22, 2008 @ 11:59 pm

  2. Putang ina naman nito!!! ang sama

    Comment by tarantado — December 4, 2008 @ 7:32 am


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

The Banana Smoothie Theme. Create a free website or blog at WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: